Miyerkules, Nobyembre 16, 2016
Repleksyon sa Mensahe ng Butil ng Kape
Buod ng Mensahe ng Butil ng Kape
Isang araw habang nagbubungkal ng lupa ang ang magsasaka,
narinig niyang nagmamaktol ang kanyang anak. Idinaraing nito ang pagod at hirap
na nararanasan nito dahil sa mga gawaing-bukid. Ayon pa dito, hindi makatarungan
ang buhay na tinatamasa nito. Matapos marinig ng magsasaka ang sinabi ng
kanyang anak, tinawag niya ito at pinapunta sa kusina.
Sa kusina, inihanda ng magsasaka ang tatlong palayok at
nilagyan ang mga ito ng tubig. Pagkatapos, isinalang ang mga ito sa apoy. Hindi
nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok inilagay ng ama ang carrot. Sa
pangalawa naman ay itlog at sa pangatlo ay butil ng kape. Mskalipas ang ilang minuto,
inalis ng magsasaka ang baga at pinalapit ang anak. Napansin ng anak na lumambot
ang carrot. Inutusan naman siya ng ama na hatiin ang itlog. Matapos na mabalatan,
napansin niya na buo at matigas ang loob nito dahil sa pagkakalaga. Samantalang
ang butil ng kape ay natunaw at lumahok sa kumukulong tubig. Nagsimulang
magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog at butil ng
kape.
Ang carrot na sa una ay matigas at tila hindi natitinag ay
naging malambot matapos malahok sa kumukulong tubig. Ang itlog na may maputi at
manipis na balat ay naging matigas matapos malaga. Samantalang ang butil ng
kape ay natunaw ng mailahok sa kumukulong tubig ngunit kapalit nito ay
karagdagang sangkap na nagpasarap sa matabang na tubig.
Tinanong ng magsasaka sa kanyang anak na kung maihahalintulad
nito ang sarili sa tatlong nabanggit, siya ba ay isang carrot na matigas at hindi
natitinag sa simula subalit pagdating bg suliranin ay naging malambot at mahina;
siya ba ay isang itlog na sa umpisa ay nagpapakita ng kabutihan at malinis na
hangarin subalit sa oras ng kagipitan ay naging matigas at sarado ang puso sa
pagtulong; o siya ba ay isang butil ng kape na nakapagpabago sa tubig? Na
naging matatag sa pagdaan ng unos at ito mismo ang nakapagpabago sa mga
nangyayari sa kanyang paligid?
Pinapili ng magsasaka ang anak sa tatlong nabanggit. Ngumiti
ang anak at tumugon sa magsasaka ng "ako ay magiging butil ng kape katulad
mo, mahal na ama".
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)