Miyerkules, Nobyembre 16, 2016

Buod ng Mensahe ng Butil ng Kape

     

          Isang araw habang nagbubungkal ng lupa ang ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kanyang anak. Idinaraing nito ang pagod at hirap na nararanasan nito dahil sa mga gawaing-bukid. Ayon pa dito, hindi makatarungan ang buhay na tinatamasa nito. Matapos marinig ng magsasaka ang sinabi ng kanyang anak, tinawag niya ito at pinapunta sa kusina.
Sa kusina, inihanda ng magsasaka ang tatlong palayok at nilagyan ang mga ito ng tubig. Pagkatapos, isinalang ang mga ito sa apoy. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay itlog at sa pangatlo ay butil ng kape. Mskalipas ang ilang minuto, inalis ng magsasaka ang baga at pinalapit ang anak. Napansin ng anak na lumambot ang carrot. Inutusan naman siya ng ama na hatiin ang itlog. Matapos na mabalatan, napansin niya na buo at matigas ang loob nito dahil sa pagkakalaga. Samantalang ang butil ng kape ay natunaw at lumahok sa kumukulong tubig. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog at butil ng kape.
Ang carrot na sa una ay matigas at tila hindi natitinag ay naging malambot matapos malahok sa kumukulong tubig. Ang itlog na may maputi at manipis na balat ay naging matigas matapos malaga. Samantalang ang butil ng kape ay natunaw ng mailahok sa kumukulong tubig ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na nagpasarap sa matabang na tubig.
Tinanong ng magsasaka sa kanyang anak na kung maihahalintulad nito ang sarili sa tatlong nabanggit, siya ba ay isang carrot na matigas at hindi natitinag sa simula subalit pagdating bg suliranin ay naging malambot at mahina; siya ba ay isang itlog na sa umpisa ay nagpapakita ng kabutihan at malinis na hangarin subalit sa oras ng kagipitan ay naging matigas at sarado ang puso sa pagtulong; o siya ba ay isang butil ng kape na nakapagpabago sa tubig? Na naging matatag sa pagdaan ng unos at ito mismo ang nakapagpabago sa mga nangyayari sa kanyang paligid?
Pinapili ng magsasaka ang anak sa tatlong nabanggit. Ngumiti ang anak at tumugon sa magsasaka ng "ako ay magiging butil ng kape katulad mo, mahal na ama".




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento